“relapse” call, kung san tayo'y pinagtagpo— “pwede ba akong sumali?,” makulit kong tanong "oo," sagot mo at doon nagsimula. gabing puno ng corny jokes at ating mga tawa. at biglang lumiwanag ang bawat sandali; bawat ping, lungkot ko'y pumapawi. bawat VMs gabi-gabi'y inuulit. kahit emojis na sinesend ako'y pinapakilig. nahulog ako sa mga simpleng bagay — sa tinig ng iyong tawa, sa mga quick replies, sa mga texts na sa araw ko'y nagpapakulay. mahirap ang mangako ngunit 'to lamang dalangin ko: na sa bawat alas dos ng umaga'y magsshare ng memes na sa bawat puns tayo'y tatawa nang labis na sa bawat sandali mga VMs mo'y maririnig